Inaasahang magtatagal ang El Niño hanggang Hunyo.
Kaya ilang buwan pa ang hihintayin bago ang tag-ulan.
Babala ni DOST-PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Flaviana Hilario – halos walang ulan ang mararanasan sa bansa lalo na at papasok ang bansa sa pagsisimula ng summer season.
Aniya, mas magiging matindi ang epekto ng El Niño sa tag-init.
Ang Pilipinas ay nakararanas na ng madalang na pag-ulan mula pa nitong Pebrero partikular sa mga lugar na apektado ng dry spell at drought.
Sa kasalukuyan, 11 probinsya sa Luzon at Mindanao ang nakararanas ng “meteorological drought” o pagkakadominante ng dry weather.
Facebook Comments