El Niño Task Force, binuo

Manila, Philippines – Muling binuhay ng Malacañan ang El Niño Task Force kasunod ng babala ng PAGASA na may 75 porsyentong posibilidad na tatama ang El Niño phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular 38 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binuo ang task force na layong bumuo at magpatupad ng short term at long term solutions para matiyak ang sapat na supply ng pagkain, tubig at enerhiya, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at palakasin ang tugon ng bansa pagdating sa kalamidad at sakuna.

Ang El Niño Task Force ay pamumunuan ng kalihim ng NEDA, katuwang ang Department of Agriculture, DOE, DENR, DOH, DILG, DOST, DND, DSWD, NDRMMC, DOLE, DTI, PCOO TESDA, NFA, NIA at PAGASA.


Direktang mag-uulat ng mga update ang pinuno ng El Niño Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte at Secretary Medialdea.

2015 nang mabuo ang El Niño Task Force na siyang gumagawa ng roadmap for addressing the impacts of El Nino phenomenon.

Facebook Comments