El Nino Task Force, pinabubuo muli ng Malacanang

Binuhay muli ng Malacanang ang El Nino Task Force sa bisa ng Memorandum Circular No. 38 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

Kasunod na rin ito ng babala ng PAGASA na may 75% na posibilidad na tatama ang El Nino phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.

 

2015 nang mabuo ang El Nino Task Force na siyang gumagawa ng Roadmap for Addressing the Impacts of El Nino o RAIN.


 

Sabi sa memorandum order mula sa Palasyo, nangangailangan muli ngayon magpatupad ng short term at long term solutions para tiyakin ang food, water at energy security, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino, at palakasin ang tugon ng bansa pagdating sa kalamidad at sakuna.

 

Pamumunuan ang El Nino Task force ng kalihim ng National Economic Development Authority, habang pinuno ng food security ang DA chief, head ng water security ang DENR, head ng energy security ang DOE secretary,  head ng health ang DOH chief, pinuno ng safety ang DILG secretary habang mga miyembro naman ang DOST, DND, DSWD, NDRMMC, DOLE, DTI, PCOO TESDA, NFA, NIA at PAGASA.

 

Direktang mag-uulat ng mga update ang pinuno ng EL Nino task force kay Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Facebook Comments