El Niño, unti-unti na umanong humihina ayon sa PAGASA

Unti-unti na umanong humihina ang El Niño Phenomenon.

Ayon sa PAGASA, magsisimula umano itong humupa ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Analisa Solis, officer-in-charge ng Climatology and Agrometeolorgy Division, magtutuloy na hihina ito hanggang Abril at Mayo habang pagsapit ng Hunyo ay magiging neutral na ang El Niño.


Sa kabila nito, mananatili ang epekto ng strong El Niño sa bansa na dahilan ng pagkaantala ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ngayong Marso, mayroong 30 probinsya ang nakararanas ng tagtuyot habang 22 naman ang nakakaranas ng dry spell at 15 ang nakaranas ng dry condition.

Ito ay dahil sa mababang mga pag-ulan.

Pagsapit ng Abril, magiging 40 ang makakaranas ng drought, 25 ang dry spell at 13 ang dry condition.

Sa mga buwan naman ng Marso at Abril ay posibleng makaranas ng zero o isa na bagyo.

Pero pagsapit ng Mayo ay posibleng makaranas ng isa hanggang dalawang bagyo.

Samantala, posibleng matapos na ang Northeast monsoon o hanging amihan sa loob ng dalawang linggo.

Facebook Comments