Inihayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration Dagupan Branch na maaari o may posibilidad na maramdaman ang El Nino sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Chief Meteorologist ng PAGASA Dagupan Engr. Jose Estrada Jr. ay maaaring maramdaman ang epekto ng El Nino sa darating na buwan ng Agosto at maaari ding magtatagal sa unang quarter ng taong 2024.
Sa kabila ng mga naitatalang mga matataas na heat index sa Probinsya partikular na sa Lungsod ng Dagupan na umaabot sa mahigit 40 degrees Celsius ay sinabi ng PAGASA na maituturing pa itong nasa normal dahil ang buwan naman umano ng tag-araw talaga ay sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo.
Kaya’t sakaling nakakaranas ng mainit na panahon, dapat maging responsable ang mga indibidwal na gumawa ng paraan upang maibsan ang mainit na panahon.
Gawin ang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mainit na panahon at upang makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha. |ifmnews
Facebook Comments