El niño – nagbabadya sa unang quarter ng 2019

Manila, Philippines – Nasa 70 hanggang 80 percent ang posibilidad na magkaroon ng El Niño sa bansa ngayong taon.

Ayon kay PAGASA climate monitoring Chief Analiza Solis – nakataas pa rin ang “el niño watch” ng PAGASA.

Mula setyembre noong nakaraang taon hanggang kalagitnaan ng enero, ilang probinsya na sa mindanao ang nakararanas ng dry spell partikular ang Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Basilan, Maguindanao at Sulu.


Habang nakararanas naman ng drought ang Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Nararanasan ang dry spell kapag hindi nakatatanggap ng ulan ang isang lugar sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan pero kapag tumagal na ito ng limang buwan, tinatawag na itong drought.

Dagdag pa ni Solis – kapag nagtuloy-tuloy, posibleng madagdagan pa ang mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot pagpasok ng Abril.

Facebook Comments