Nabuo at naitalaga na ang ilan sa mga magiging katuwang na ahensya na nakapaloob sa El Niño Task Force sa Dagupan City na silang mangunguna sa paghahandang gagawin para sa mga magiging epekto ng nararanasang tag-init na maaaring magtagal sa susunod na tatlong buwan hanggang sa susunod na taon.
Mula ang direktiba sa National Government na inaatasan ang lahat ng lokal na gobyerno sa bansa upang bumuo ng El Niño Task Force.
Ito ay may layong mapaghandaan, makagawa ng maayos at epektibong mga plano at programa laban sa nararanasang epekto ng El Niño, lalo na lungsod ng Dagupan na madalas nakapagtatala ng sunod-sunod na matatas na heat index.
Samantala, ang mga miyembrong kabilang sa El Niño Task Force ay ang CMO, PAGASA, CDRRMC, PARMC, PNP, CHO, Liga ng mga Barangay, City Veterinarian, Market Division, CSWD, PAMANA, DECORP, Task Force Disiplina, DepEd, POSO, Organization of Refilling stations, Produktong Dagupeño Marketing Cooperative, Matalunggaring Irrigators’ Association, Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda at Rural Improvement Club.
Sakop ng gampanin ng nasabing Task Force ay ang regular na pagbantay sa mga iiimplementang hakbangin, pagtukoy sa mga posibleng mga pondo kaugnay sa mga gagawing solusyon sa pakikipag-ugnayan sa DBM at ang mga disaster preparedness at rehabilitation plans bilang paghahanda sa matinding tag-init. |ifmnews
Facebook Comments