El Shaddai Leader Mike Velarde, nagpaliwanag sa pag-endorso kay dating senador Bongbong Marcos para sa pagkapangulo sa eleksyon

Ipinaliwanag ni El Shaddai Leader Mike Velarde, kung bakit si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang inendorso ng kanilang simbahan upang maging susunod na pangulo ng bansa kaugnay sa gaganaping eleksyon sa Mayo.

Batay sa press release, matagal nang lumapit sa kanya ang dalawa para humingi ng suporta at napapanahon na raw na magkaisa ang mga Pilipino na piliin si Marcos dahil alam niyang may magandang magagawa ito bayan.

Open minded daw si Marcos at bata pa para maging susunod na pangulo.


Samantala, ngayong umaga ay nasa Tuguegarao si dating senador Marcos at nagsasagawa ng pangangampanya doon.

Habang mamayang hapon ay tutungo ito Amoranto Sports Complex sa Quezon City para sa gagawing UniTeam Quezon City proclamation rally.

Facebook Comments