El Shaddai, pinagpapaliwanag ng Parañaque LGU

Naipadala na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang sulat sa pamunuan ng El Shaddai upang pagpaliwanagin sa nangyaring paglabag sa ipinapatupad na health protocols.

Ito’y kasunod ng isinagawang event ng El Shaddai sa Amvel City of Faith sa Parañaque City na pag-aari ni Bro. Mike Velarde na siya ring founder nito, kung saan libo-libong mga miyembro ang dumalo.

Sa pahayag ni Parañaque City Administrator Ding Soriano, hindi nasunod ang ilang health protocols tulad ng physical distancing, bukod pa sa walang permit ang grupo para magsagawa ng aktibidad.


Umaasa naman ang Parañaque Local Government Unit (LGU) na makakatanggap sila ng sagot mula sa El Shaddai sa loob ng tatlong araw.

Facebook Comments