Ang matatanda sa ating lipunan ay siyang itinuturing na ginto ng ating bayan dahil sa kanilang kaalaman at karunungang hatid sa bawat isa na halaw sa kanilang napakahabang taon na pamumuhay at mga personal na karanasan na talaga namang magbibigay gabay at ilaw sa ating buhay kaya naman ngayong unang linggo ng buwan ng Oktubre, ang bayan ng Calasiao, Pangasinan kasabay ng iba’t-ibang lalawigan sa ating bansa ay ipinagdiriwang ang “Elderly Filipino Week Celebration” mula Oktubre 1-7, 2017. Ang Calasiao na kilala sa pagiging puto capital ay may tema sa selebrasyon na “Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng mga Nakakatanda sa Lipunan.”
Sa pagbubukas ng Senior Citizen Week, kahapon, Octubre 3, Martes, pinangunahan ang selebrasyon ng Holy Mass sa St. John and Paul Parish Church ng alasais ng umaga na sinundan naman ng sama-samang agahan ng ating mga nakakatanda sa Senior Citizens Conference Hall.
Ngayong araw naman, Oktubre 4, Miyerkules ng umaga ng 7:30am ay sabay-sabay na sumayaw at nag exercise sa pamamagitan ng Zumba ang ating mga minamahal na lolo at lola sa Calasiao Town Plaza.
Sa Biyernes, Oktubre 6, 2017 ay ang pinaka highlight ng pagdiriwang. Magkakaroon ng Senior Citizen Night na idaraos na Calasiao Town Plaza ng 7:30PM na may sayawan at lalahukan ng Guest of Honor and Speaker na si Hon. Amado I. Espinoso III na Governor ng lalawigan ng Pangasinan.
Paano mo binibigyang importansya si Lolo at Lola?
Photo credited to www.gov.ph