ELDERLY FILIPINO WEEK | LRT-2 at MRT-3, maghahandog ng libreng sakay para sa mga senior citizen

Manila, Philippines – Maghahandog ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) line 3 at Light Rail Transit (LRT) line 2 sa mga pasaherong senior citizens sa pagpasok ng unang araw ng Oktubre.

Ito ay bilang pagdiriwang sa Elderly Filipino Week na magsisimula sa October 1 hanggang 7.

Kailangan lamang magdala ng pasahero ng ID na magpapakita ng araw ng kanilang kapanganakan.


Nakatakdang magbigay ang MRT-3 ng libreng tickets na magsisilbing pass ng mga senior citizens habang magtatalaga ang LRT-2 ng gate para sa mga ito.

Sa LRT-2, maaring makalibre ang mga senior citizens ng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Facebook Comments