Eleazar, napiling top senatorial pick ng grupo ng mga obispo

Matapos makatanggap ng suporta mula sa Iglesia ni Cristo (INC), pormal na ring inendorso ng Independent Bishops Conference of the Philippines (IBCP) ang kandidatura ni senatorial candidate at dating PNP Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar.

Isinagawa ang pag-endorso kay Eleazar sa pamamagitan ng isang seremonya na dinaluhan ng kanilang leaders and members sa pangunguna ni IBCP President Bishop Efraim Perez.

Ayon kay Perez, naniniwala ang kanilang grupo na binubuo ng 187 bishops sa moral at espirituwal na obligasyon na gabayan at pangunahan ang bansa para sa katuwiran.


Aniya, si Eleazar ang kanilang first choice mula sa 12 senatorial candidates na kanilang inendorso para sa May 9 polls.

Unanimous din aniya ang naging pagpili nila kay Eleazar dahil sa mabuti niyang ugali, pananaw, at kakayanang pamunuan ang bansa patungo sa tamang landas.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Eleazar sa IBCP sa pag-endorsong ito na bilang pangunahing kandidato sa pagka-senador.

Malaking bagay aniya ang endorsement ng IBCP para madala ang laban ng bawat Pilipino sa Senado.

Bukod sa IBCP at INC, inendorso rin si Eleazar ng El Shaddai, ang pinakamalaking Catholic charismatic group sa bansa.

Facebook Comments