ELECTION | 12-member senatorial slate ng opposition coalition, posibleng hindi mabuo – VP Robredo

Manila, Philippines – Aminado si Vice President Leni Robredo na maaring hindi makumpleto ang full 12-member senate slate ng opposition coalition para sa 2019 midterm elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, ayon kay Robredo na pinagdedebatehan kung pupunuin ang 12-member o gagawin ng mas kaunti.

Aniya, nasa proseso pa ng pagsasapinal ang senate slate.


Pero inaasahang i-aanunsyo ang pinal na listahan sa October 10, isang araw bago ang pormal na paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) mula October 11 hanggang 17.

Ang kowalisyon ay binubuo ng Tindig Pilipinas, Akbayan, Magdalo, Aksyon Demokratiko at Liberal Party.

Facebook Comments