ELECTION 2019 | Inaasahang ‘No Election Scenario,’ pinawi ni Senator Pimentel

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Senate President Koko Pimentel na hindi naman maapektuhan ng pagbabago sa porma ng gobyerno ang mga nakatakdang Eleksyon.

Pahayag ito ni Pimentel sa gitna ng lumulutang na ‘no election scenario’ sa taong 2019 dahil sa planong pagbabago sa porma ng gobyerno patungong federalism.

Paliwanag ni Pimentel, ang mahalaga ay kung ano ang lalamanin ng Transitory Provisions na siyang magtatakda sa termino at tungkulin ng mga halal na opisyal base sa 1987 Constitution.


Pero diin ni Pimentel, bago maipatupad ang bagong salitang batas ay dapat munang masunod ang lahat ng nakapaloob sa umiiral ngayong konstitusyon.

Kasama aniya dito ang pagsasagawa ng mga nakatakda o naka-schedule ng botohan tulad ng papalapit na 2019 Senatorial at Local Elections.

Facebook Comments