*Dagupan City* – Umpisa na ngayong araw ang pag-susumite ng Certificate of Candidacy ng mga gustong tumakbo sa darating na 2019 Midterm Election. Sa latet data ng COMELEC Pangasinan ngayong umaga nasa limang kandidato na ang nakapag-sumite ng kanilang COC sa provincial level positions.
Sa ginanap ngayong araw na KBP Pangasinan Regular Forum malugod na ibinalita ni COMELEC Pangasinan Supervisor Atty. Marino Salas na ang Pangasinan ang isa sa napiling probinsya sa buong bansa ng COMELEC upang paglunsadan ng Voters Registration Verification System o VRVS.
Gamit ang nasabing makabagong sistema mas mapapabilis ang paghahanap at pag-beripika kung ang isang botante ay active or deactivated at kung saang presinto siya maaaaring bumoto. Sa VRVS kasi naka-upload ang lahat ng biometrics data ng mga botante ng partikular na lugar at makikita sa pamamagitan ng fingerprint scanner.
Ayon kay Salas ipapatupad ito sa buong probinsya at maswerte ang lalawigan na isa tayo sa pilot province na makakagamit nito. Sa ngayon ihahanda ng COMELEC ang kanilang mga tauhan para sa isang special training upang sanaying maging pamilyar sa VRVS.
Dagdag pa ni Salas na malaking tulong ito upang mapabilis ang pagboto ng mga taga Pangasinan. Kung magiging matagumpay ang nasabing sistema ay maaaring buong bansa na ang implementasyon sa susunod na national election.
ELECTION 2019 | Pangasinan isa sa napili ng COMELEC na gagamit ng fingerprint verification system!
Facebook Comments