Nanawagan si National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Secretary Carlito Galvez Jr., na maagang paghandaan ang Election 2022.
Kasunod ito ng papalapit na eleksyon sa bansa kung saan magaganap ang filing of candidacy sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Galvez, batay sa mga naging karanasan ng India at US ay nag-doble ang kanilang mutation noong nagkaroon sila ng eleksyon.
Dahil dito, kailangan munang maglabas ng guidelines ang Commission on Elections upang mapigilan ang anumang uri ng pagtitipon na posibleng mauwi sa mass gathering.
Sa ngayon, isang taon na lamang ang natitira bago ang 2022 Presidential Election kung saan puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng COMELEC para dito.
Facebook Comments