Manila, Philippines – Pagkatapos pa ng Holy Week, tatalakayin ng Senate
Committee on Electoral Reforms ang umano’y iregularidad noong 2016
elections.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto, naisumite na niya sa
komite ang mga hawak niyang dokumento tulad ng mga “secure logs” na umano’y
ginamit sa “election fraud.”
Aniya, mayroon siyang pinanghahawakang ebidensya na makakapagpatunay na
nagkaroon ng transmission ng election result mula sa Albay, Lanao Del Sur
at Rizal Province bago pa ang halalan noong May 9, 2016.
Una na ring sinabi ni Sotto na may ilang mga senatorial candidates ang
nakatanggap ng zero votes sa mga lugar kung saan nagkaroon ng early
transmission sa mga vote counting machines ng Smartmatic.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>