Manila, Philippines – Magsisimula na sa susunod na linggo ang pagpapatupad ng election gun ban para sa nalalapit na midterm elections.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – ipatutupad ang gun ban mula January 13 at magtatagal hanggang June 12.
Sa ilalim ng gun ban, ang mga lisensyadong nagmamay-ari ng baril ay hindi maaring magbitbit nito sa labas ng kanilang residence.
Subalit maari naman silang humiling ng exemption mula sa Commission on Elections (Comelec) na siyang nagre-review ng mga application.
Sinabi ni Albayalde na exempted sa gun ban ang mga law enforcers at unipormadong naka-duty.
Hindi rin sakop ng ban ang mga tauhan ng AFP, Philippine Coast Guard (PCG), NBI at iba pang law enforcement agencies.
Maari ring ma-exempt sa gun ban ang mga private security agencies.
Sa mga pulitikong nakatatanggap ng banta, maari silang mag-apply ng security escorts mula sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG).
Sa tala ng PNP, aabot sa higit isang milyong loose firearms sa buong bansa.