Election gun ban violators, lumobo pa ayon sa PNP

Apat na araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban.

Ayon kay Police National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, mula Agosto 28 hanggang Oktubre 25, umakyat na sa 1,841 ang naarestong gun ban violators.

Nakumpiska ang 1,393 baril sa iba’t ibang checkpoint operations.


Habang 1,635 baril ang isinuko sa awtoridad at 2,298 baril ang idineposito para sa safekeeping.

Pinaigting ng pulisya ang pagsasagawa ng operasyon upang maipatupad ng gun ban lalo sa mga lugar na nasa red, orange at yellow category.

Facebook Comments