Election gun ban violators, lumobo pa ayon sa PNP

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, mula August 28 hanggang November 9, 2023 umakyat na sa 2,211 ang naarestong gun ban violators.

Nakumpiska ang 1,689 baril sa iba’t ibang checkpoint operations.


Habang 1,785 baril ang isinuko sa awtoridad at 2,425 baril ang idineposito para sa safekeeping.

Samantala, muling nagpaalala ang PNP na iiral ang gun ban sa bansa hanggang November 29, 2023.

Facebook Comments