Election gun ban violators, sumampa na sa 31 -PNP

Umaabot na sa 31 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay ng nalalapit na 2025 Midterm elections.

Ito ang inihayag ni PRO- III Regional Director at Concurrent PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kung saan kabilang sa mga naaresto sa iba’t ibang checkpoint at police operations ang 26 na sibiliyan, tatlong security guards, isang appointed government official at isang miyembro ng militar.

Nasa 80 mga baril na rin aniya ang nakumpiska ng mga awtoridad.


Pinakamarami ay mula sa Region 3, na sinundan ng Regions 2 at 6.

Karamihan sa mga nakumpiskang baril ang small firearms, light weapons, replica and explosives at ammunitions.

Habang mayroon din mga baril ang idineposito for safekeeping.

Samantala, may paalala naman ang Pambansang Pulisya sa mga motorista na dadaan sa Comelec check point.

Facebook Comments