Election gun ban violators, umabot na sa mahigit 1,700 ayon sa PNP

Limang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), umabot na sa 1,785 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo.

Aniya, mula Agosto 28 hanggang Oktubre 25, 2023, umabot 1,345 baril ang nakumpiska sa pinaigting na checkpoint operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Habang 2,269 baril ang idineposito para sa safekeeping at 1,590 baril ang isinuko sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang panawagan ng PNP na sundin ang umiiral ang panuntunan sa gun ban upang hindi maharap sa asunto.

Facebook Comments