Election Gun Bun sa Lungsod ng Santiago, Puspusan ang Pagpapatupad!

16

Santiago City- Tuluy-tuloy na ngayon ang paglalatag ng kapulisan sa Santiago City ng mga check point sa mga pangunahing lansangan para sa election gun bun ngayong taon.

Matatandaan na kahapon ay matagumpay na isinagawa ang kick off ceremony ng synchronized motorcade interfaith prayer rally sa lungsod kung saan ay dinaluhan naman ito ng lahat ng mga kandidatong tatakbo ngayong halalan at maging ng ibang mga ahensya.

Batay sa monitoring ng RMN Cauayan sa mga Police Stations sa lungsod ay wala pa namang mga nahuhuli ang mga otoridad na lumalabag sa kanilang ikinasang aktibidad.

Sa panayam naman sa taga pagsalita ng Santiago City Police Office (SCPO) na si PSupt. Melchor Ariola ay muling hinihiling nito ang kooperasyon at ibayong disiplina ng mga residente upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod ng Santiago.

Facebook Comments