Pormal nang inilunsad ngayong araw ng Quezon City Public School Teachers Assn. ang anilay Election Hotline para sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon kay Kris Navales ang pangulo ng QCPSTA, ang hotline magsisilbing safeguard at watchdog ng mga teachers o electoral board na magsisilbi sa eleksyon.
Simula ngayong araw magiging operational na at handa nang tumanggap ng hinaing ng mga guro ang Hotline sa telephone numbers na 4262238 at celphone nos.09155719601 at 0947711047.
Layon rin nito na maiwasan na ang mga nangyari noong mga nakalipas na halalan na nagkaroon ng kaso ng pagpatay ,harrassment at pagbabanta sa mga guro mula sa mga supporters ng kandidato.
Bagamat hindi kabilang sa election hotspot ang Quezon City, hindi nila isinasantabi na magkaroon ng pananakot sa panig ng mga guro.
Kayat nanawagan na sila mga supporters at kandidato na unawain ang mga guro lalo na sa araw ng botohan ,pagbilang ng boto at paghahatid ng mga election returns na kadalasan nagkakaroon ng problema.