Ilang linggo matapos maghain ng endorsement letter ang DILG sa Comelec laban sa mga opisyal ng barangay na nakikisawsaw sa pulitika, Nagsumite naman ng liham sa Comelec law department ang ilang election lawyers.
Humihingi sila ng paglilinaw mula sa poll body hinggil sa kung ano talaga ang pinapayagan at ipinagbabawal ng Comelec sa mga Barangay officials sa panahon ng kampanya. .
Kasama sa mga nagtungo sa Comelec sina Election Lawyers Sixto Brillantes at George Garcia.
Naniniwala ang mga petitioner na walang isinasaad sa ilalim ng batas na nagbabawal sa mga opisyal ng Barangay na makisali sa partisan political activities.
Paliwanag ng kampo ni Macalintal, ang bawal lamang sa ilalim ng section 38 ng Omnibus election code ay ang pagiging partisan ng mga Brgy officials sa panahon ng eleksyong pang-Barangay.
Naniniwala ang mga petitioner na kailangang magsalita ng Comelec sa usapin para malinawan ang mga barangay official.