Umabot sa mahigit isang daang libo ang natanggap na report ng Department of Education sa kanilang election monitoring app.
Ayon kay Education Undersecretary Alain Del Pascua na Chairperson ng Election Task Force, Simula kahapon hanggang kaninang alas-3:00 ng hapon umabot sa 131,526 ang natanggap nilang report sa Central Command Center ng DepEd.
Karamihan sa mga ito ay ang problema sa vote counting machine na umabot sa 1,333 ang reklamo kasama na ang 526 na transmission issues.
2, 340 naman na report hinggil sa marking pens at 2,036 naman ang iniulat na nagka-problema sa final testing and sealing ng mga vote counting machined.
Kasama na din dito ang 1, 070 na reklamo hinggil sa hindi pa naibigay na honoraria ng mga guro at 632 na hindi pa nakukuha ang allowance.
Sinabi naman ni Usec. Pascua na hindi nila pine-pressure ang mga guro hinggil sa kanilang assessment report sa katatapos na halalan dahil hinahayaan muna nila itong magpahinga pero inaasahan nila na matatapos ito hanggang bukas o sa araw ng huwebes.