Election period natapos na; mahigit 6,000 naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban

Umabot sa 6,362 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa election gun ban.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac ang mga naarestong ito ay mula January 13 hanggang kahapon June 12 ang pagtatapos ng election period.

 

Aniya 5,989 sa mga naaresto ay mga sibilyan, 104 ang security guard, 94 ang government official, 48 ang mga pulis, 31 ang miyembro ng threat groups, 25 ang mga pulis, 19 ang myembro ng ibang law enforcement group, 15 foreign nationals at 9 na miyembro ng private army.


 

Nakumpiska sa mga naarestong ito ang 5,304 na mga baril na kanilang nakumpiska.

 

Bukod pa ito sa 50,386 na mga nakamamatay na armas na  kanilang narekober.

Facebook Comments