Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang election period ngayong araw bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 23.
Matatandaang nakabinbin pa rin ang pinal na desisyon tungkol sa pagpapaliban ng eleksyon dahil wala pa itong pirma ng Pangulo.
Sinimulan na ng Commission on Elections kaninang madaling araw ang pagsasagawa ng nationwide checkpoints at gun ban.
Bukod dito, ipinagbabawal din ang mga sumusunod:
· paggamit ng security personnel o bodyguard ng mga kandidato, maliban kung pinayagan ng COMELEC
· pananakot, pamumuwersa sa sinumang opisyal at kandidato habang isinasagawa ang mga trabahong may kinalaman sa eleksyon
· pagbago sa lugar ng election precinct o paggawa ng bagong presinto
· pagbuo ng mga reaction forces o strike forces o mga kahalintulad na gawain
Magsisimula naman ang filing ng certificates of candidacy sa October 5 hanggang 11 at ang campaign period sa October 12 hanggang 21.