Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 51 ang election protest case na isinampa kay San Quintin Mayor-Elect Farah Lumahan dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.
Ayon sa korte, bigong tukuyin ng protestante ang kabuuan ng testimonya ng mga witness sa umano’y nasaksihang vote-buying, hindi tugmang detalye ng aktwal na boto sa voter’s receipt, at pre-shaded na balota n amula umano kay Lumahan.
Nakasaad din umano sa rules na kinakailangang may particular na detalye at pangalan ng mga saksi ang “summary” ng protesta upang may mukha ang bawat pahayag sa kaso.
Ang tinukoy na election protest ay isinampa ng dating alkalde na si Florence Tiu noong May 23.
Kaugnay nito, naninindigan si Mayor Lumahan sa tiwalang ipinamalas ng mga residente sa nagdaang eleksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









