ELECTION PROTEST NG NATALONG KANDIDATO SA PAGKA MAYOR SA BAYANG NG MANAOAG, NA-DISMISSED

Nagbaba na ng desisyon ang hanay ng korte kaugnay sa Election Protest ng dating kandidato sa pagka Mayor sa bayan ng Manaoag.
Dismissed ang ibinabang desisyon kaugnay dito at ibinaba na inilabas na may petsang August 3 2023 o ibig Sabihin ay mahigit isang taon pagkatapos ng Election.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” Rosario, tila nabawasan umano ito ng tinik sa leeg ng malaman ang desisyon.

Aminado ang alkalde na kahit paano ay may epekto ito sa kanyang pamamalakad sa bayan ng mahigit isang taon.
Sa ngayon ay siya na din mismo ang lumalapit upang makausap ang natalo nito na dating Vice Mayor ng bayan at nag file ng protesta na si Domy Ching
Kinumpirma naman ng alkalde na 156 lamang ang lamang nito sa kanyang naging katunggali at aminado itong napuyat sa kakahintay ng resulta noon.
Sa ngayon aniya ay malinaw na sa lahat ang desisyon ng korte at resulta ng election at ang magandang gawin ay mag move on para sa iisang layunin ng bayan ng Manaoag. |ifmnews
Facebook Comments