Election protest ni BBM, ‘game over’ na ayon sa kampo ni VP Robredo

Manila, Philippines – Naniniwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na game over na ang election protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, bigo makakuha ng substantial recovery ang kampo ni Marcos mula sa kanyang pilot provinces para ipagpatuloy ang kanyang protesta.

Aniya, nagsumite na sila ng walong pahinang supplemental manifestation sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) para harangin ang hiling ni Marcos na ituloy ang technical examination sa mga balota mula Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.


Samantala, giit naman ng kampo ni Marcos, tanging PET lang ang makakapagsabi kung itutuloy ang manual recount.

Anila, nais lang ni Macalintal na makakuha ng media mileage dahil tumatakbo itong senador.

Facebook Comments