Manila, Philippines – Sisimulan na bukas (July 11) ang preliminary conference sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Dito, inatasan ng Korte Suprema na siyang Presidential Electoral Tribunal sina Marcos at Robredo na magbayad ng cash deposits na 66.02 million pesos at 15.44 million pesos para sa protest at counter protest.
Kinukuwestyon ni Marcos ang resulta ng botohan sa higit 30,000 clustered precincts na nasasakupan ng 30 lalawigan at siyudad sa bansa na umano’y nagkaroon ng dayaan.
Sa counter protest naman ni ROBREDO, kinuwestyon din nito ang resulta ng botohan sa may 30,000 presinto sa ilang probinsiya kung saan nanalo si Marcos.
Nabatid na ibinasura ng pet ang hiling ni Robredo na ibasura ang election protest ni Marcos dahil sa kawalan umano ng merito at hurisdiksiyon ng protesta.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558