Election-related incidents at mga naaresto sa gun ban, patuloy na nadadagdagan

Bagama’t tapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong October 30, patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga naitalang election-related incidents (ERI) sa bansa.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), umakyat na sa 312 ang bilang ng mga insidenteng namonitor ng PNP kung saan 97 rito ay validated election-related incidents, 18 ang suspected ERI at 197 ang non-ERI.

Sa implementasyon naman ng gun ban, mayroon nang kabuuang 2,293 ang mga naarestong indibidwal.


Nasa 1,751 ang mga nakumpiskang baril, 2,460 ang mga idineposito para sa safekeeping at 1,830 ang isinuko.

Ang pagpapatupad ng nationwide gun ban ay nagsimula noong August 28 at magtatagal hanggang November 29, 2023.

Facebook Comments