ELECTION RELATED INCIDENTS | PNP, nakapagtala ng 35 patay kasabay ng election period

Manila, Philippines – Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 35 tao na namatay habang 27 naman ang sugatan noong kasagsagan hanggang sa matapos ang Barangay at SK Elections.

Pero sabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, 13 pa lang sa mga kaso ng pagpatay ang kumpirmadong may kinalaman sa halalan.

Dagdag pa ni Bulalacao, hanggang nitong Lunes ng tanghali ay nakapagtala sila ng 47 election related incidents kung saan pito sa mga ito ang kumpirmadong may kaugnayan sa karahasan sa eleksyon.


Nilinaw naman ni Bulalacao na isolated ang naturang mga insidente at maituturing pa rin na payapa ang nagdaang halalan.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Bulalacao na “relatively peaceful” ang naganap na Barangay at SK Elections.

Facebook Comments