ELECTION-RELATED VIOLENCE | Pangulong Duterte, nais magkaroon ng partial judgement sa mga sangkot sa Maguindanao massacre

Manila, Philippines – Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon na ng partial judgement sa mga indibidwal na sangkot sa Maguindanao massacre na itinuturing na pinakamalalang election-related violence at pag-atake sa press freedom sa bansa.

Nabatid na 58 tao ang namatay kabilang ang 32 mamamahayag noong November 23, 2009.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan na ng Pangulo ang prosecution panel na pag-igihan ang trabaho para mabigyan ng hatol ang mga akusado ngayong taon.


Nabatid na nasa 197 tao ang akusado sa kaso kabilang ang mga ampatuan na sina Zaldy, Andal Sr. at Jr., at Sajid.

Facebook Comments