Election watchdog, hiniling sa Comelec na diskwalipikahin si Cardema

Manila, Philippines – Pinadidiskwalipika ng grupong Kontra Daya sa Commission on Election o Comelec ang Duterte Youth Partylist at huwag paupuin si Ronald Cardema sa Kamara.

Ayon kay Danilo Arao, lead convenor ng grupo, hindi na kinakailangang bigyan ng Comelec ng due course ang application for substitution ni Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth.

Aniya, ang petisyon ni Cardema ay isang mockery sa partylist system.


Giit pa ni Arao, kitang-kita ang pagka-uhaw ni Cardema na makakuha ng upuan sa Kamara kaya hindi nito inaalintana ang mga ginagawa niyang paglabag sa batas.

Kahit na pursigido aniya si Cardema na maging youth sector representative ay hindi mababago ang katotohanan na siya ay over aged na.

Facebook Comments