Electric bill para sa buwan ng Hunyo, bahagyang maaantala – Meralco

Naglabas ng abiso ang Manila Electric Company (Meralco) na bahagyang maaantala o delayed ang pagbibigay ng electric bill para sa buwan ng Hunyo.

Kaugnay nito ay kanilang i-aadjust o palalawigin ang due date sa singil ng kuryente upang bigyan ng mas mahabang panahon ang mga konsyumer sa pagbabayad ng kanilang electric bill.

Nauna nang ipinaalam ng Meralco na ito’y mula sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa lahat ng electric facilities sa Luzon at Visayas.


Kaakibat ng bahagyang pagtataas ng singil sa kuryente dahil sa tumaas na generation cost na balak hatiin ng Meralco sa tatlong buwan ang paniningil.

Facebook Comments