Electric cooperative na maaapektuhan ng Bagyong Tino, inabisuhan na ng NEA na magpatupad ng contingency measures

Inabisuhan na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng Electric Cooperative (EC) na maaapektuhan ng Bagyong “Tino” na magpatupad ng contingency measure.

Ayon sa NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department, ang contingency measures ay para maibsan o malimitahan ang epekto ng sama ng bagyo.

Pinayuhan ng NEA ang mga EC na i-activate na ang kanilang Emergency Response Organization upang magpatupad ng mga kinauukulang hakbang kung kinakailangan.

Dapat din umano nilang tiyakin na may sapat silang kagamitan at buffer stocks na magagamit sa power restorations.

Mahigpit din ang direktiba ng NEA-DRRMD sa mga EC na agad magsumite ng damage and power situation reports kabilang ang mga schedule ng partial at complete electric service restorations.

Facebook Comments