Magliliwanag ang lungsod ng Urdaneta City sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang kapistahan ngayong Disyembre, tampok ang inaabangang Electric Float Parade na siyang magiging pangunahing atraksyon ng selebrasyon.
Sa pasilip na inilabas ng lokal na pamahalaan, hugis kalabaw na simbolo ng lungsod ang pailaw na ipaparada sa mga lansangan para pasayahin ang mga manonood. Sumasalamin sa sipag, tiyaga, at pagsusumikap ng mga mamamayan, lalo na ng mga magsasaka.
Agad namang pinusuan sa social media ang Electric Float Competition na upgrade umano sa taunang selebrasyon ng pista ayon sa ilang residente.
Sa ngayon, wala pang opisyal na mechanics na inaanunsyo ang tanggapan ngunit hinikayat na ang mga interesadong kalahok na bumuo na ng kanilang grupo.
Samantala sa pagbubukas ng kanilang Christmas Bazaar inaasahang mas magiging masigla at makulay ang sasalubong sa mga reisdente o turista sa Urdaneta City tampok ang iba’t ibang lokal na pagkain, tugtugan at produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









