Electric shock wristband, makatutulong sa mga gustong umiwas sa bisyo

Courtesy: New York Post

Mabibili ngayon ang isang wristband o bracelet na ginawa para sa mga taong hirap pigilin ang temptasyon o hindi maiwan ang pagbibisyo.

Mga engineer sa Behavioral Technology sa Salt Lake City, Utah, ang nasa likod ng device na tinawag na Pavlok bracelet.

350 boltahe ng kuryente ang inilalabas ng bracelet na ito sa oras na labagin ng taong may suot nito ang mga bagay na naka-program dito.


Maaaring i-program dito ang pag-iwas sa sigarilyo, pagkain ng fast food, oversleeping, maging ang simpleng pagngatngat ng mga kuko sa kamay.

Hindi biro ang lakas ng kuryente nito dahil ayon sa manufacturer, aabot sa tatlo hanggang limang araw ang iindahing sakit ng makukuryente nito.

Bukod dito, maaari ring ipasa ang kontrol sa pinagkakatiwalaang kaibigan o kaanak na puwedeng mag-disiplina sa taong may suot nito gamit ang Pavlok app.

Ibinebenta ito sa Amazon sa halagang $200 o halos katumbas ng P10,000.

Facebook Comments