ELECTRICAL FAILURE | MRT-3, nagbaba ng 850 na pasahero sa Guadalupe station

Manila, Philippines – Maagang nagkaaberya sa operasyon ng MRT-3.

Mag-a-alas 8:00 kaninang umaga nang pababain sa Guadalupe station ang nasa 850 pasahero ng MRT dahil sa electrical failure.

Bunsod ito ng mga worn-out electrical sub-components sa motor ng tren.


Makalipas ang limang minuto, agad ding naisakay sa kasunod na tren ang mga naabalang pasahero.

Facebook Comments