ELECTRICAL FAILURE | MRT-3, tumirik nanaman!

Manila, Philippines – Uminit na naman ang ulo ng mga pasahero ng Metro Rail Transit – 3 matapos na makaranas ng aberya sa operasyon nito mag-a-alas dos kaninang hapon.

Alas 1:54 nang magpatupad ng provisional service ang MRT mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue station dahil sa power failure.

Dahil dito, napuno ng mga stranded na pasahero ang kahabaan ng North Avenue at Quezon Avenue stations.


Kaninang umaga, mahigit isang oras ding naantala ang biyahe ng lahat ng tren dahil sa power supply failure bunsod ng nagkabuhol-buhol na kable ng MRT.

Facebook Comments