ELECTRICAL FAILURE | MRT, tumirik ulit; 200 na pasahero pinababa

Manila, Philippines – Aabot ng dalawang daang mga pasahero ang pinababa sa north bound lane ng Magallanes station matapos makaranas ng electrical failure ang motor ng tren kaninang 6:07 ng umaga.

Pitong minuto ang nakalipas nang maisakay ang mga naperwisyong pasahero sa panibagong tren.

Dinala na sa North Avenue station ang nasirang tren para sa preventive maintenance.


Facebook Comments