ELECTRICAL FAILURE | Tren ng MRT 3, tumirik sa Ortigas station

Manila, Philippines – Muling naantala ang biyahe ng mga commuters ng Metro Rail Transit 3 o MRT 3 matapos na tumirik ang isang tren dahil sa electrical failure.

8:21 kanina nang magbaba ng 800 na pasahero ang isang tren sa Ortigas station na pa- southbound

Electrical failure sa motor ng tren ang dahilan ng aberya.


Agad na dinala sa MRT depot ang nagka-aberyang tren para isailalim sa paglukumpuni.

Agad namang nailipat sa sumunod na tren ang mga pasahero pagkalipas ng walong minuto.

Facebook Comments