Manila, Philippines – Sa pagbubukas pa lamang ng operasyon ng Metro Rail Transit 3, nakaranas agad ng buena manong aberya ang isa sa mga tren nito. 5:37 kanina nang magbaba ng nasa 200 na pasahero sa southbound lane ng Quezon Avenue Station dahil sa electrical failure sa motor ng tren. Ang problema ay dulot ng may kalumaan na may electrical sub-components nito. Agad naman nailipat sa sumunod na tren ang mga pasahero makalipas ang limang minuto habang dinala na sa MRT3 depot ang nag malfunction na tren. Sa kasalukuyan, nasa sampung tren ang napapakinabangan ng mga commuters.
Facebook Comments