Electrician, Dinakip sa Pag-iingat ng Droga

136

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang electrician matapos makuhanan ng sachet ng pinaniniwalaang shabu sa ikinasang search warrant ng Tumauini Police Station.


Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, pinangunahan nito ang pagsisilbi ng search warrant sa suspek na kinilalang si Feliciano Jacob, 53 taong gulang, may asawa at residente ng barangay Antagan 1st Tumauini, Isabela.

Sa isinasagawang search warrant ng mga otoridad, nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang (2) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at tatlong (3) piraso ng aluminum foil strips.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments