Electrician, Timbog sa Buybust Operation!

Nakatakdang sampahan ng kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isang electrician matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng pulisya sa Purok 3, Plaridel, Santiago City.

Nahuli si Jose Byron Bayang Gadduang, 30-anyos, binata, electrician at residente ng Purok-5 Plaridel ng nasabing Lungsod.

Nasamsam sa pag-iingat ni Gadduang ang isang pakete ng shabu at P500 marked money na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer na pulis.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Reynaldo Maggay, hepe ng Santiago City Police Station 1, itinuturing na newly identified ang suspek na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa Lungsod.

Facebook Comments