Electrician, Timbog sa Pagbebenta ng Illegal Drugs sa Nueva Vizcaya

35

Cauayan City,Isabela- Arestado ang 28-anyos na electrician na itinuturing na High Value Target Individual na kabilang sa priority list ng PNP at PDEA matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Rowell alyas “Boyaks”, residente ng Purok 4, Barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Bayombong Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Nueva Vizcaya Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit, PDEA NVOP sa pakikipag-ugnayan rin PDEA region 2 makaraang bentahan umano ng iligal na droga ang ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng 1 thousand peso-bill na nagsilbing buy-bust money; isang (1) pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; dalawa (2) pang pakete ng shabu na nakuha sa pag-iingat ng suspek at motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na transaksyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Facebook Comments