Electrion Paraphernalias sa Roxas, Naging Maayos ang Distribusyon!

Roxas, Isabela – Sa mismong Municipal Hall ng Roxas Isabela isinagawa ang distribusyon ng election paraphernalias kaninang umaga.Ito ang naging pahayag ni Roxas Municipal Treasurer Marites Sicayo sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya madaling araw kanina nagsimula ang distribusyon kung saan inuna ang mga malalayo mula sa dalawamput anim na barangay ng nasabing bayan at may kabuuang 109 clustered precincts.

Sinabi pa ni Municipal Treasyrer Sicayo na naging maayos din ang isinagawang pagdadala ng nga Board of Election Inspectors sa mga election paraphernalias sa mga voting pricincts ng naturang bayan dahil nakaagapay ang augmentation force ng PNP Roxas.


Nilinaw pa ni Ginang Sicayo na bawat BEI’s ay may kanya-kanyang tungkulin sa eleksyon at ang honoraria naman umano ng mga guro ay comelec ang may sakop nito.

Facebook Comments