ELECTRONIC BENEFIT CARDS, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG CABAGAN

Cauayan City – Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang pamamahagi ng Electronic Benefit Cards sa bayan ng Cabagan, Isabela, kahapon ika-18 ng Hulyo.

 

Mayroong 56 na mga benepisyaryong mula sa nabanggit na bayan ang nakatanggap na ng kani-kanilang mga EBT Cards.

 

Ang EBT Cards na ito ay nakapasailalim sa Food Stamp Program na naglalayong mahatiran ng sapat at masusustansyang pagkain ang mga benepisyaryo upang malabanan ang problema sa kagutuman sa bansa.


 

Matatandaang buwan ng Pebrero ngayong taon ng pormal na ilunsad ang Food Stamp Program at nagpapatuloy pa ito hanggang ngayon upang mas mapalawak pa ang sakop ng nabanggit na programa.

Facebook Comments